Anak ng Boogey!
 
HomeCalendarFAQSearchMemberlistUsergroupsRegisterLog in

Share | 
 

 Filipino Assignment

View previous topic View next topic Go down 
AuthorMessage
Crown Clown

avatar

Posts : 40
Join date : 2009-09-18
Age : 26
Location : Quebec, Canada

PostSubject: Filipino Assignment   Sun Sep 20, 2009 11:09 am

The excerpts can be found HERE.


Meanwhile, here are the questions.


A. Sang-ayon ba kayo na si Rizal ang Pambansang Bayani? Ipaliwanag.

B. Kung hindi si Rizal, sino ang gusto niyo maging pambansang bayani? Ipaliwanag.

C. Sang-ayon ba kayo sa mga kaisipan ni Rizal tungkol sa pambansang kalayaan? Ipaliwanag.

D. Kung kayo ay bibiyan ng pagkakataon na magbigay ng mga pamantayan para sa pagpili ng pambansang bayani, ano ang mga ito at bakit?

E. Sang-ayon ba kayo na kamote ang alternatibong paraan upang umunlad ang ating bansa? Ipaliwanag.



Wohoo~ Thanks to Maine Manalansan for the questions!



The assignment will be passed on Tuesday, Sept. 22, 2009. It must be written on yellow pad/s. For the minimum sentences/paragraphs needed, I suggest you guys boycott it. Who the heck can write four paragraphs with four or five sentences on it?! lol!
Back to top Go down
View user profile http://www.facebook.com/d.arsonist
$lowhand$

avatar

Posts : 20
Join date : 2009-09-17
Age : 23
Location : Pasig City

PostSubject: RE : Filipino Assignment   Mon Sep 21, 2009 5:12 am

thanks d2 !!

is there any answer ?!

Razz

_________________
Back to top Go down
View user profile
chibi-ren

avatar

Posts : 30
Join date : 2009-09-19
Age : 25
Location : Antipolo City, Philippines

PostSubject: Re: Filipino Assignment   Mon Sep 21, 2009 6:37 am

lol! it took me 2 hrs to answer all those question...

good luck i almost got nosebleed while reading the research paper??

KAMOTE!! jocolor
Back to top Go down
View user profile http://kur0ageha.wordpress.com/
bkb-wekwek

avatar

Posts : 10
Join date : 2009-09-21

PostSubject: Re: Filipino Assignment   Mon Sep 21, 2009 8:54 am

sorry sa late post... grounded kac ako sa pc... kaya d ko mapost post ung copy. so retype nalang ginawa ko. done na ko yesterday pero d ako makapag-rent ng pc because daming ginawa sa church sorry talga. kung magagalit kayo, i understand, it's my fault. Sad sorry talga sobra

“SI RIZAL AT ANG PAMBANSANG KALAYAAN”
Ni Rogelio L. Ordonez
Magpahanggang ngayon, pinagtatalunan pa ng mga eskolar kung nararapat ngang kilalanin o hindi si Rizal bilang ating pambansang bayani. Sa ibang bansa, ayon sa mananalaysay na si Renato Constantino, itinanghal na pambansang bayani ang mga nagging lider ng kani-kanilang rebolusyon gay halimbawa ni Washington ng Amerika, ni Lenin ng Unyon Sobyet, ni Ho Chi Minh ng Vietnam, ni Simon Bolivar ng Timog Amerika, at nina Sun Yat-Sen at Mao Tse Tung ng Tsina. Ngunit sa ating bansa, ayon pa rin sa kanya, ang ating pambansang bayani ay hindi naging puno ng rebolusyon. Sa katunayan, itinakwil niya ang rebolusyon. Walang pasubali niyang tinutulan ang kilusan ni Bonifacio at ng mga Pilipinong nakibaka upang matamo ang pambansang kalayaan.
Maaalala nang hulihin si Rizal noong Hulyo 6,1892 at ipatapon siya sa Dapitan dahil sa pagkakatatag ng La Liga Filipina at nang sadyain siya doon nang malaon ni Dr. Pio Valenzuela upang himuking maging pagdangal na tagapangulo ng Katipunan, mahigpit na tinanggihan ni Rizal ang alok na iyon. Hindi ba sang-ayon si Rizal na kailangang makamit ang pambansang kalayaan sa pamamagitan ng himagsikan? O naniniwala kaya siya na hindi pa handa noon ang sambayanan?
Nang sumiklab noog Agosto 23,1896 ang himagsikan ng Katipunan sa pamumuno ni Andres Bonifacio, maaalala rin na nagboluntaryo si Rizal na maging manggagamot ng hukbong Kastilang nakikidigma noon sa Cuba. Ngunit nang papunta na siya sa Cuba, muling ipinadakip si Rial ng mga prayle at ng mga awtoridad na Kastila. Batay sa manipestong ipanalabas niya noong Disyembre 16,1896, tinuligsa niya ang himagsikan at ang Katipunan
Ipinahayag niya:
“Sa simula pa lamang nang mapansin ko ang binabalak, tinutulan ko ito, kinalaban ko ito at ipinakita ko na ang kilusang ito ay tiyak na hindi magtatagumpay. At higit pa rito, nang ilunsad pa rin ang kilusang salungat sa aking payo, kusa kong inihandog hindi lamang ang aking mabuting pakikitungo kundi ang aking buhay at pati na rin ang aking pangalan upang ito’y magamit sa anumang paraang makasusugpo sa paghihimagsik. Dahil sa ako’y naniniwala na magdudulot lamang ito ng maraming kahirapan, Ipinalagay ko na isang kapalaran ko kung sa kabila ng anumang pagpapakasakit ay mahadlangan ko naman itong mga walang kabuluhang kapahamakan. Sumlat din ako at inuulit ko ito, na ang mga reporma ay dapat magmula sa itaas, at ang mga repormang magmumula sa ibaba ay nakakamit nang pabaluktot, di maaasahan , at walang katiyakan.
Sa ganito paniniwala, hindi ko maiiwasan ang sumpain at isinusumpa ko itong himagsikang ito na itinuturing kong baligho, malupit at binalak na lingid sa aking kaalaman, isang paninirang puri sa ating mga Pilipino at inilalagay sa alinlangan ang lahat ng maaaring magtanggol sa ating layunin. Kinamumuhian ko ang salaring pamamaraang ito at itinatatwa ko ang anumang pakikisali rito. Buong pusong kinahahabagan ko ang mga walang kabatiran na nalinlang upang sumanib sa kilusang ito.”
Bakit ganoon ang pahayag ni Rizal? Bakit hindi niya ikinatuwa na nagising rin ang sambayanan, kagaya ng gusto niyang mangyari sa kanyang nobelang Noli at Fili, at naghimagsik na rin sa wakas upang putulin ang tanikala ng pagkakaalipin sa ilalim ng kolonyalismong Kastila o naniniwala kaya si Rizal na sa pamamagitan ng nabanggit na manipesto, maililigtas niya ang kanyang sarili sa mga Kastila? Higit na maituturing nating siyang bayani kung inihandog nia ang kanyang sarili upang magng doctor ng mga kababayan niyang katipunero kaysa maging manggagamot ng mga sundalong Kastilang nakikidigma noon sa Cuba.
Ano nga kaya ang ideya ni Rizal tungkol sa pambansang kalayaan? Kung tinutulan niya ang pagkakamit ng kalayaan sa pamamagitan ng rebolusyon, ano kaya ang ipinalalagay niyang tamang pamamaraan upang makamit noon ng Pilipinas ang kalayaan? Ang mga ideya kaya niya tungkol sa kalayaan ay angkop pa sa ating panahon?
Kung hindi nga nagging lider ng rebolusyon si Rizal, bakit nga siya itinanghal na pambansang bayani? Sino ang pumili sa kanya upang maging bayani n gating bansa?
Bagaman hindi mapapasubalian ang mga dakilang katangian ni Rizal, gayundin ang kanyang marubdob na pagmamahal sa kanyang bayan at ang pagiging martir dahil sa pagmamahal na ito, lumitaw na ang mga Amerikano ang nagproklama sa kanya upang maging pambasang bayani ng Pilipinas.
Batay sa kasaysayan, matapos tayong sakupin ng mga Amerikano, iminungkahi noong 1901 ni William Howard Taft, gobernador noon ng Pilipinas, sa Philippine Commission na kailangang magkaroon ng pambasang bayani an gating bansa. Ang naturang komisyon ay kinabibilangan ng tatlong Pilipinong ilustrado, sina Pardo de Tavera, Benito Legarda at Jose Luzurriaga.
Sa librong Between Two Empires ni Theodore Friend, sinabi ni Taft, “kasama ang ilang pinunong Amerikano at ilang reaksiyonaryong Pilipino ay pinili si Rizal bilang bayaning huwaran higit sa ibang katimpalak.” Hindi nila pinili si Emilio Aguinaldo sapagkat lubha raw na mapanlaban, si Andres Bonifacio naman daw ay masyadong radikal, at masyado raw namang suwail si Apolinario Mabini. Matapos ngang mapili si Rizal, ipinalabas ng Philippine Commision ang Batas Blg. 137 na nagtadhanang ang Morong ay pangalang lalawigan ng Rizal; sinundan ito ng Batas Blg. 243 na nagpapahintulot na magkaroon ng pambansang abuluyan upang maipatayo ang monument ni Rizal sa Luneta, at ang Batas Blg. 345 na nagtadhanang ang Disyebre 30, araw ng kamatayan ni Rizal, ay magiging pista opisyal.
Sa aklat naming The Philippine Island ni W. Cameron Forbes, malinaw na isinulong nang husto ng mga Amerikano ang pagiging pambansang bayani si Rizal. Sinabi ni Forbes: “Tunay na karapatdapat na kilalanin si Rizal bilang pambansang bayani ng baying Pilipino. Ang pangasiwaang Amerikano ay nagdulot lahat ng maaaring itulong sa pagpaparangal na ito. Ipinagdiriwang ang araw ng kanyang kamatayan, inilagay ang kanyang larawan sa selyong karaniwang ginagamit sa kapuluan, at sa salapi… at itinuturo sa mga bata sa pambayang paaralan sa lahat ng dako ng kapuluan na igalang siya na pinakadakila sa lahat ng mga bayaning Pilipino.” Idinagdag pa ni Forbes na “si Rizal ay di kalianman nagtaguyod ng kasarinlan at hindi rin niya sinang-ayunan ang sandatahang pakikipaglaban sa pamahalaan. Iginiit niya. “ang pagbabago mula sa loob sa pamamagitan ng propaganda, pangmadlang edukasyon at pagpukaw sa budhi ng bayan.”
Malinaw, kung gayon, na gusto ng mga Amerikano na an gating pambansang bayani ay hindi marahas at kontra rebolusyon, hindi kagaya ni Bonifacio at Mabini na ang mga ideyang rebolusyonaryo ay salungat sa patakarang kolonyal ng Amerika. Sapagkat binibigyang-dila ni Rizal sa kanyang mga sinulat ang kahalagahan ng edukasyon tungo sa ikapagkakaroon ng isang bansang malaya, ang ideyang ito ni Rizal ang ginamit ng mga mananakop na Amerikano sa kanilang mga layuning kolonyal.
Batay sa naturang mga puno, maitatanong natin ngayon:
Angkop pa kaya sa ating kasalukuyang panahon o lipunan ang mga ideya ni Rizal tungo sa kalayaan at kasarinlan?
Kung susundan natin ang kanyang mga ideya, ano ang nararapat namang gawin kaya ng sambayanang Pilipino?
Ano nga ba ang ideya ni Rizal tungkol sa kalayaan? Ito ba’y nangangahulugang isang bansang nagsasarili?
Sa panahon ng Kilusang Propaganda na kinatawan nina Rizal, Lopez Jaena, Marcelo H. del Pilar at ilan pang Pilipinong nasa Espanya noon. Makikitang hindi ang paghiwalay ng Pilipinas sa kandungan ng Espanya ang kanilang hinihingi kundi mga reporma lamang sa pamamahala ng gobyernong Kastila sa Pilipinas. Hinihingi nila na pagkalooban ng pantay na karapatan ang mga Pilipino kagaya ng mga karapatang pampulitika at pangkabuhayang tinatamasa noon ng mga Kastila sa Pilipinas. Hinihiling nila na bigyang pagkakataong humawak ng mataas na puwesto sa Gobyernong Kastila ang mga Pilipino, kagaya ng pagiging kinatawan sa Kongreso o Cortes ng Espanya. Higit sa lahat, kung maaari, maging probinsya, hindi isang kolonya ng Espanya ang Pilipinas. Nang hindi maibigay ang repormang nabanggit, marahil sa Marcelo H. del Pilar lamang ang ganap na naniwala, batay sa isang liham nit okay Andres Bonifacio, na talagang kailangan nang maghimagsik ang sambayanan upang putulin ang tanikala ng pagkaalipin, ngunit ayon kay Renato Constantino, “Isinumpa ni Rizal ang Rebolusyon sapagkat bilang isang ilustrado likas niyang mainaliit ang lakas at katalinuhan ng masa. Naniniwala siya na ang kalayaan “ay hindi isang pambansang karapatan kundi isang bagay na ipinagkaloob sa karapat-dapat tulad ng medalya para sa mahusay na ugali.” Ang kalayaang diumanong hinihingi ni Rizal, ayon pa rin kay Constantino, ay “yaong kalayaan lamang na kailangan ng piling uri upang umunlad ang kanilang kabuhayan, at hindi inakala ni Rizal na ang pampulitikang kasarinlan ay siyang pangunahing kailangan bago natin makamit ang kalayaan.”
Sa kabanata 50 ng Noli sa usapan ni Elias at Ibarra, maaaring ipinahiwatig ni Rizal ang pagtutol niya sa rebolusyon at pagbibigay diin sa edukasyon para makamit ang kalayaan. Sinabi ni Ibarra, “at kung ang madlang taong iyan ay makikita kong may sandata ay pipiling ako sa pamahalaan at sila’y aking kakalabanin, sapagkat di ko aariing baying ang madlang taong iyan. Ibig ko ang kanilang kabutihan. Kaya’t nagtayo ako ng isang paaralan; hinanapko ang kabutihan niya sa pamamagitan ng pagdunong sa unti-unting pagkakasulong; kapag walang liwanag ay walang landas.” Ngunit ayon kay Elias, “kung walang kalayaan ay walang liwanag.” Ganap na nilinaw ni Rizal ang tunggaliang ito ng paniniwala nina Elias at Ibarra tungkol sa kalayaan sa sinulat niyang manipesto noong Disyembre 15, 1896. Batay sa aklat na “Pride of the Malay Race” ni Ramon Ozaeta, sinabi ni Rizal, “Mga kababayan, nagbigay ako ng mga patunay higit kaninuman, na pinakananasa ko ang kalayaan n gating bansa, at ninasa ko pa rin ito. Ngunit ipinalagay kong pangunahing batayan ang eduaksyon ng mga mamamayan upang sa pamamagitan ng edukasyon at apgsisikap, magkakaroon sila ng sariling personalidad at magiging karapat-dapat silang maging malaya.”
Malinaw na gusto ni Rizal na magkaroon muna ng edukasyon ang bansa bago maging malaya at naniniwala siyang ang edukasyon at kalayaan, ay dapat na laging magkaugnay kagaya ng kanyang sinabi sa sanaysay na Sobre la Indolencia de los Filipinos, “kung walang edukasyon at kalayaan na siyang lupa at araw ng isang tao, walang repormang posibleng maganap, walang hakbang na magbubunga ng ninanasang resulta.”
Sa usapang nina Padre Florentino at Simoun sa huling kabanat Fili, inain ni Simoun na nagkamali siya na udyukan ang bayang maghimagsik, gayundin sa kanyang mga pamamaraan, upang ilunsad ang rebolusyon gaya ng pagpapalaganap ng katiwalian, kasakiman, kasamaan, at pagsubok sa lipunan, kung kaya ang lumitaw na tamang katwiran ay ang mga sumusunod na sinabi ni Padre Florentino:
“Hindi ko sinasabi na an gating kalayaan ay matatamo sa pamamagitan ng dulo ng espada sapagkat hindi makahulugan ang papel na ginagampanan ng sandata sa pangkasalukuyang pangyayari, kundi dapat muna tayong maging karapat-dapat sa pamamagitan ng pagdakila sa katalinuhan ng tao, sa pamamagitan ng pagmamahal sa katarungan, katwiran a kadakilaan kahit sukdulang ibuwis an gating buhay – at kung marating nang bayan ang tugatog na ito – ipagkaloob ng Diyos ang sandata, mawawasak ang diyus-diyusan, madudurog ang paniniil at sisikat ang kalayaan tulad ng unang bukang liwayway.”
Malinaw na naniniwala si Rizal na masama ang ibubunga ng kalyaan at pagsasarili ng isang bansa kung ang mga mamamayan ng bansang iyan ay wala pang sapat na edukasyon upang malaman ang kahalagahan at kabutihan ng kasarinlan at kalayaan. Ano ang magiging silbi ng kasarinlan o kalayaan kung hindi naman matutuhang mahalin ng sambayanan ang kanilang kalayaan? Kaya marahil sinabi pa ni Padre Florentino sa naturang kabanata:
“Bakit kasarinlan kung ang mga alipin ngayon ang siya namang magiging mang-aalipin bukas? At tiyak silang magiging gayon, sapagkat ang sinumang nagpapahintulot na maging alipin ay nagmamahal sa kaalipinan.”
Naniniwala rin marahil noon si Rizal na hindi pa handa ang bayan sa pagyakap sa kalayaan at hindi pa iyon ang takdang panahon para maghimagsik ang sambayanan. Parang wala pang tiwala non si Riza na magagampanan ng sambayanan ang mga tungkulin para sa kalayaan kung kaya maging sa kanyang mga akda, parang nagtatalong lagi ang kanyang mga tauhan – halimbawa’y sina Elias at Ibarra, sina Simoun at Basilio, o sina Simoun at Padre Florentino – tungkol sa kung paano mapapalaya ang bansa. Gusto ni Rizal na maging marangal at may matayog na kaisipan ng pagkamakabayana ang sambayangn Pilipino bago maging malaya kung kaya iginiit niya na kailangan muna ang edukasyon.
Gayunpaman, sa kabila nito, lumilitaw din na pinag-isipan din ni Rizal ang paggamit ng lakas para makamit ang kalayaan, dangan nga lamang at binigyang-diin niya na gamitin muna ang lahat ng mapayapang pamamaraan. Makikita natin sa Noli at Fili na pabor sina Elias at Simoun sa paghihimagsik, gayundin sina Kapitang Pablo at Kabesang Tales o mga pinag-uusig. Katunayan, batay sa aklat na The First Filipino ni Leon Ma. Guerrero, sa sulat ni Rizal na may petsang Hunyo 19, 1896 sa kaibigan niyang eskolar na Aleman na si Dr. Ferdinand Blumentrit, Ipinahayag ni Rizal:
“Matitiyak ko sa iyo na hindi ko ninanais na makisangkot sa anumang binabalak na paghihimagsik na sa palagay ko’y hindi pa napapanahon at lubhang mapanganib. Ngunit kung itinutulak kami ng pamahalaan tungo doon, ang ibig kong sabihin ay kung wala nang nalalabing pag-asa kundi yakapin naming an gaming pagkawasak sa pamamagitan ng digmaan, kapag mamatamisin pa ng mga Pilipino ang mamatay kaysa pagtiisan pa ang kanilang mga kasawian at paghihirap, ako man kung gayon ay magpapanukalang gumamit ng marahas na pamamaraan. Ang Espanya ang dapat mamili: kapayapaan o pagkawasak, sapagkat hindi mapapasubalian katotohanan, gay ng alam ng lahat, na kami’y matiisin at mapagmahal sa kapayapaan… Ngunit may wakas ang lahat sa buhay na ito; walang hanggan sa mundong ito, at kabilang na rito an gaming pagtitiis. Hindi ako maniniwala na ikaw bilang isang malayang mamamayan ng Europa ay magnanais na pagpayuhan ang mabuti mong kaibigan na pagtiisan na lamang ang lahat at kumikilos na kagaya ng isang taong duwag ng isang taong walang katapangan.”
Pero bakit nga nang sumiklab ang himagsikan ng Katipunan noong 1896 ay tinutulan at isinumpa ito ni Rizal batay sa kanyang manipesto noong Disyembre 15, 1896?
Nilinaw pa nga ni Rizal sa kanyang liham na sinulat sa loob ng bilingguan, may petsang Disyembre 12, 1896 ang pagkakaiba ng kalayaan (freedom) at kasarinlan (Independence) upang patunayan marahil sa mga awtoridad na Kastila na hindi ninais himiwalay at magsarili ng Pilipinas sa kandili ng Espanya sa pamamagitan ng rebolusyon. Ang nabanggit pa ngang liham ang ginamit ng kanyang tagapagtanggol at iniharap sa hukumang humatol sa kanya ng kamatayan. Ipinahayag ni Rizal:
“… ipinakahulugan ng marami na ang aking pariralang magkaroon ng kalayaan ay katumbas ng magkaroon ng kasarinlan. Ito’y dalawang magkaibang bagay. Maaaring maging malaya ang isang bayan na hindi nagsasarili, at maaari namang magkaroon ng kasarinlan na hindi malaya. Lagi kong ninanais ang kalayaan ng Pilipinas at ipinahayag ko ang aking damdamin. Ang ibang nagpapatunay na ang sinabi ko ay kasarinlan ay pinauna ang kariton sa kabayo o nagsisinungaling.”
Sa punto ng kalayaan at rebolusyon o tungkol sa pagsalungatan ng kanyang mga tauhan sa dalawa niyang nobela ukol sa bagay na ito, mahalaga marahil na banggitin ditto ang obserbayon ni Miguel de Unamuno – isang eskolar na Kastila na nakasabay ni Rizal sa Unibersidad Central de Madrid – hinggil sa katauhan ni Rizal. Batay sa aklat na Contrary Essays, sinabi ni Unamuno:
“… sa palagay ko, siya ay kapwa si Ibarra at si Elias at ito ay higit na totoo kapag sila’y nagtatalo. Sapagkat mismong si Rizal ay diwa ng pagsasalungatan, isang kaluluwang natatakot sa rebolusyon pero sa kaibuturan ng kanyang sarili ay ninanasa niyo iyon: isa siyang taong sa iisang sandal ay nagtitiwala at hindi sa kanyang mga kababayan at kalahi, na naniniwalang may ganap na kakayahan ang kanyang mga kababayan kapag tinitingnan niya ang kanyang sarili bilanmg isa sa kanilang kadugo, ngunit naniniwala ring wala silang sapat na kakayahan kapag iba naman ang kanyang tinitingnan. Si Rizal ay isang taong lagi nang naninimbang sa pagitan ng pangamba at pag-asa, ng pananalig at kawalang-tiwala. Ang lahat ng kontradiksyon ito ay nagkasanib-sanib sa kanyang mapangarapin at matulaing pag-ibig sa bayan, sa kanyang pinakamamahal na lupa ng araw at Perlas ng Silanganan, sa kanyang nawalang Eden
Makabuluhan din marahil na banggitin dito ang pananaw ni Rizal tungkol sa isang malayang Pilipinas. Batay sa sanaysay niyang “Ang Pilipinas sa Darating na 100 Taon” na paputulputol na nalathala sa La Solidaridad mula Setyembre 30, 1889 hanggang Pebrero 1,1809, malinaw na nakita ni Rizal na kung hindi magbabago ng pamamahala ang gobyernong Kastila sa Pilipinas, “baling araw ay ganap na idedeklara ng Pilipinas ang kanyang paglaya” sa kamay ng Espanya. Nakita rin niya na hindi nanaisin ng Inglatera, Alemanya, Pransiya at lalo na ng Holand na sakupin tayo balang araw. ‘ At kapag Malaya na tayo, an gating kalayaan “ay nuong tapang nating ipatatanggol kahit sa pamamagitan ng maraming dugo at pagpapakasakit.” Sinabi niyang malaya nating papasukin ang “malawak na daan ng kaunlaran” at muling mabubuhay ang pagsasaka o agrikultura, muling bubuksan at pauunlarin ang mga minahan, ang kalakalan, ang pangingisda at maritime. Ipinahayag din niyang “muli, magiging malaya tayong kagayang ibong nakawala sa hawla, kagaya ng bulaklak na bumubka sa simoy ng hangin, at muling makakamit natin ang mga dakilang katangian na unti-unting namamatay at muli nating tatamasahin at yayakapin ang kapayapaan.”
Bagaman hindi nakita ni Rizal ana ang pampulitikang kasarinlan ang higit munang kailangan bago makamit natin ang kalayaan, hindi naman maitatatwang sa pamamagitan ng mga sinulat ni Rizal, malaki ang kanyang naitulong sa tinatawag na Constantino na “pagsibol ng pambansang kamulatan.” Maituturing nga siyang dakila sapagkat” ang mga taong dakila ay yaong mga nakauunawa ng kanilang panahon at ng tunay na pangangailanganng madia.” Utang sa kanya ng kasalukuyang salinlahi ang pag-unlad ng pambansang pananaw at kamulatan at pagyabong ng nasyonalismo o damdaming makabayan.
“Bilang panlipunang tagapuna at tagapagsiwalat ng pang-aapi, tinupad niya ang isang kahanga-hangang gawain,” sabi ni Constatnio “Ang kanyang mga sinulat ay naging bahagi n gating tradisyon ng protesta na sa wakas ay humantong sa himagsikan… bagaman sa kabilang banda, maituturing na ang kanyang naiwan ay “isang tagumpay (lamang) sa larangan ng kamulatan, isang tagumpay sa diwang panlahi, dahil hindi lubos sapagkat itinakwil ni Rizal ang tunay na kasarinlan.”
Magpahanggang ngayon, mula nang agawin ng mga Amerikano ang tagumpay ng Rebolusyon 1896 dahil sa panlilinlang nina Konsul Pratt at Komodor Dewey kay Heneral Aguinaldo – batay sa mga librong Little Brown Brother ni Leon WcIff at In our Image ni Stanley Karnow, lumitaw na hindi pa rin “ganap na nagsasarili” an gating bansa kahit sinasabing “tayo’y malaya.” Malinaw na an gating kalagayang pangkabuhayan at pampulitika o maging pangkultura at pang-edukasyon ay nasa ilalim pa rin ng kapritso o kagustuhan ng Amerika.
Sa larangan na lamang ng edukasyon, malinaw na an gating edukasyon – sapagkat hini pa tayo malaya at nagsasarili noon matapos sakupin ng mga Amerikan – ay kinopya ng pira-piraso sa edukasyong Amerikano samantalang hindi naman angkop ang ekonomiyang Pilipino sa Industriyalisadong ekonomiya ng Amerika. Sapilitang isinaksak sa ating utak ang mga pagpapahagang maka-Amerikano kung kaya naniwala tayo na ang anumang mula sa Amerika ay magaling kaysa anumang bagay na nasa Pilipinas. Itinuring natin nab obo at hindi edukado ang sinumang hindi marunong ng wikan Ingles at nanatiling sa dayuhang wikang ito ang sistema n gating edukasyon at gobyerno at komersiyo. Samantalang umunlad ang ibang mga bansa sa daigdig hindi sa pamamagitan ng wikang Ingles kundi sa pamamagitan ng Paggamit sa sarili nilang wika sa anumang larangan ng kanilang kabuhayan – halimbawa’y Niponggo sa bansang Hapon, Bahasa Indonesia sa Indonesia, Pranses sa Pransiya, Aleman sa Alemanya, Ruso sa Rusya, Kastila sa Espanya at iba pa. Dahil dito, ang kasaysayan ng Pilipinas nanatiling kolonyal, ayon nga kay Karnow, kung kaya maging sa ating kultura, lumikha tayo ng mga Pilipinong Frank Sinatra, Pilipinong Elvis Presley, Pilipinong Tom Jones, Michael Jackson, at marami pang iba. Mula sa pelikula hanggang sa pagkain at damiot, labis nating pinahahalagahan ang anumang imported o mula sa USA.
Sa larangan ng ekonomiya, nananatili pa rin tayong nakatanghod sa Amerika, namamalimos, nangungutang, kung kaya patuloy nila tayong nadidiktahan bago pautangin o “tulungan” at nagagawa nga ng IMF-World Bank na sabihin sa ating pamahalaan na magtipid, huwag itaas ang sweldo, magaas at magpataw ng mga bagong buwis, papasukin nang husto sa bansa ang mga dayuhang produkto, gayundin ang mga puhunang dayuhan, sa kapinsalaan ng sambayangn Pilipino. Malinaw na gusto nilang manatiling isang bansang agrikultural ang Pilipinas, huwag maging industriyalisado, upang patuloy na maging tambakan ng kanilang produkto at patuloy ding mapagsamantalahan ang mga likas nitong kayamanan at kabuhayang-bansa.
Sapagkat an gating mga lider, mula pa kay Quezon at Osmena, hanggang kay Marcos at Cory Aquino at Fidel Ramos ay nasa ilalim pa rin ng bendisyon ng Amerika upang maging presidente, lumitaw na kailangang paglingkuran muna nila ang interes ng Amerika bago ang kapakanan ng Pilipinas, kung kaya kahit isang panganib at pagyurak sa kasarinlan ng Pilipinas ang pananatili dito ng mga base military ng US, kinailangan pa ang matagal at matinding protesta bago ito napaalis. Sa maikling salita, ang nalilikha nating mga lider ay tau-tauhan lamang ng Amerika at tagapangalaga o tagapagtanggol ng kanilang interes dito.
Dahil sa bagay na ito, ang nabuo nating lipunan ay isang lipunang para sa iilang mapribelehiyo, maipluwensiya’t makapangyarihan. Ang bansa, kagaya ng pangarap ni Rizal, ay dapat para sa lahat at hindi para sa iilan lamang. Ayon kay Karnow, “isang kalimang (1/5) bahagi ng populasyon ng Pilipinas ang tumatanggap ng kalahati (1/2) ng pambansang kita.” At batay naman sa kuwenta ni Padre John Doherty, isang Hestiwang Amerikanom animnapung (60) pamilya lamang ang kumokontrol sa ekonomiya ng Pilipinas.”
Bungan g katotohanang ito, hindi katakatakang manatuling busabos ang malaking bahagi ng sambayanan; hindi katakatakang lalong lumalki ang agwat na naghihiwalay sa mayaman at mahirap; at hindi rin katakatakang lalong maghirap ang milyun-milyong maralitang Pilipino.
Ang mapait na kalagayang ito ay higit na malinaw na naipahayag ng yumaong Senador Benigno Aquino, Jr. sa isa niyang talumpati sa Amerika. Sinabi niya:
“Ang Pilipinas ay isang lupain ng nakalilitong pagkakaiba. Narito ag isang lupaing iilan ang labis na mayaman habang nanatiling lubos na nagdaralita ang masa. Narito ang lupaing lkalayaan at ang biyaya nito ay totoo lamang para sa iilan at isang ilusyon o pangarap naman para sa nakararami. Narito ang isang lupaing sumasampalataya sa demokrasya ngunit pinatatakbo ng isang matibay na plutokrasya. Narito ang isang lupain ng prebilehiyo at ranggo – isang republika diumano’y para sa pagkakapantay-pantay pero sinasalaula ng isang sistema ng pag-uuri-uri.”
Idinagdag pa niya na halos bangkarote ang katayuan nito sa pananalapi, laganap ang katiwalian sa pamahalaan, walang pagpaplanong pangkabuhay, walang pagtatangkang paunlarin ang ekonomiya, kung kaya nanlupaypay ang mga Pilipino, nakakulong sa pag-asa … “walang layunin, walang disiplina, walang pagtitiwala sa sarili.” Isinisisi ni Nino yang lahat ng ito – na angkop pa rin sa kasalukuyang panahon – sa ating mga lider na “nangangalandakan ng pagmamahal sa bayan ngunit, sa katotohanan, ay higit ang pagmamahal sa kani-kanilang sarili.” Idinagdag pa niya na “isa tayong bansa ng mga Asyano na hindi mukhang Asyano sa mata ng mga kapwa natin Asyano, at hindi rin namang mukhang kaunlaranin sa mata ng mga taga-kanluran.
Batay sa mga nabanggit, nasaan ang Pilipinas na pinapangarap ni Rizal na malaya at maligaya? Marahil, magpahanggang ngayon, hindi pa natin nakikita ang tunay nating pagkalahi, ang ating pagiging Pilipino sa damdamin, sa kaluluwa, at kaisipan, at pambansang adhikain. Dapat na ganap na nating nauunawaan ang tunay na kahulugan ng kalayaan at kasarinlan.
Kung magpapatuloy ang ganitong kalagayang panlipunan, pangkabuhayan at pampulitika ng Pilipinas, masasabing higit na masaklaw at progresibo kay Rizal ang pananaw ni Padre Burgos sa kanyang La Loba Negra na nalathala noong 1869 nang si Rizal ay halos magwawalong taong gulang lamang. Sinabi ni Burgos:
“Darating ang araw isang araw na maaaring di ko na makita – iiral sa bansa ang mga pinakabagong ideya, paiiralin marahil ng mga taong higit na liberal ang kaisipan; maakamit natin ang higit na katarungan at mga reporma. Maaaring masiyahan ang bansa sa ilang mga reporma. Mangingibang bansa ang iba at sila ang uukit ng ating kinabukasan. Pero sa kabilang banda sapagkat nababahiran pa ng panatisismo at relihiyon ang mga ito, ang nagdaralitang masa, sa isang pamamaraang kasuklam-suklam at nakapanlulupaypay. Pagkatapos, darating ang isang higit na matinding pagbabangon – ang paghihimagsik ng masa labanan sa kapangyarihan at kayamanan at pagkatapos ay magigising ang pinakadakilang ideya na natutulog sa loob ng maraming dantaon at papatagin ng sosyalismo ang lahat, pagpapantayin ang mga bagay sa lahat ng dakong pinaghaharian ng panatisismo at relihiyon at makikita natin ang isang tunay na digmaan; ang sambayanan laban sa palsipikadong demokrasya; makikita natin ang mga mapagpanggap na pulitiko, mga mapagmahal sa salapi, na wawasakin ng masa ang kanilang mga sikmura, uubusin sila – silang nagpapanggap na mga makabayan, silang mapanlinlang.”
Ipinayo pa ni Burgos sa susunod na henerasyon na “mahalin ng higit sa lahat ang bayan” at ihanda ang sarili sa higit pang madugong pakikibaka laban sa mapagpanggap na mga pulitiko na ipinanganak na parang lumot sa kapinsalaan at kahihiyan ng lipunan na “ang tanging layunin sa buhay ay walang iba kundi ang kapakanang pansarili sa pawis at sakripisyo ng samabayanan.” Binigyang-diin niya na ang susunod na henerasyo ay “dapat lamang paalipin sa tungkulin at bayan at hindi dapat pakasangkapan sa mapahari-hariang mga pulitiko ng mapang-aliping kapitalismo na hawak lamang ng iilang malalaking negosyante.”
Sa kabila ng mga kapintasan ni Rizal tungkol sa kanyang pananaw sa kalayaan at kasarinlan – pangkabuhayan man o pampulitika – at kung nakita man natin na higit na progresibo ang pananaw ni Burgos, makabuluhan pa rin marahil na palaganapin pa rin natin at bigyang-halaga ang kanyang mga kaisipan sapagkat ayon nga kay Constantino, “marami sa kanyang panlipunang puna ay may bias parin ng lipunang piyudal at kolonyal ng kanyang panahon.”
“Hindi natin masasabi na lahat ng kanyang mga ideya ay dapat maging pamantayan ng lahat ng ating hangarin. Nagin huwaran siya ng isang uri ng kabayanihang humantong sa pagkamartir. Maipagmamalaki natin siya bilang Pilipino at bantayog ng lahi sa kabila ng kanyang mga kakulangan. Ngunit hindi siya maaaring maging walang habas na tagapasiya sa ating pambansang layunin tulad ng tinangkang gawin ng mga bulag na sumasamba sa kanya,” dagdag ni Constantino.
“Tungo sa ikapagkakaroon ng isang tunay na malaya at nagsasariling Pilipinas makabubuti marahil na pag-aralan natin ng husto an gating kasaysayan upang ganap nating makilala an gating sarili. Makabubuting ituwid din natin an gating kasaysayan kolonyal upang Makita natin ang tunay na kaluluwang Pilipino at upang matanim sa utak natin kung paano tayo sinakop at pinagsasamantalahan noon ng mga imperyalistang Amerikano at ng kanilang mga kasabwat na mayayamang Pilipinong negosyante’t pulitiko. Makabubuti rin marahil na baguhin ang mala-kolonyal na sistema n gating edukasyon at ang pairalin ay isang edukasyon maka-Pilipino, makatao, makabayan at siyentipiko upang mapawi sa kaisipan ng susunod na henerasyon ang pagpapahalaga at kaisipang makadayuhan o kolonyal. Panahon na marahil na isalin sa Pilipino at, sa pamamagitan nito, malikha natin ang tunay na pagmamahal at pagtatanggol sa kalayaan at kasarinlan tungo sa ikapagkakaroon ng tunay ding malaya’t nagsasariling Pilipinas. Bagaman nananaig pa rin ang rehiyonalismo sa ilang bahagi ng bansa, panahon na rin marahil na kilalanin ng sambayanan na Pilipino o Filipino na batay sa Tagalog an gating pambansang wika, sapagkat kasaysayan ng mga bansa ang diyalekto sa sentro ng sibilisasyon, gobyerno, edukasyon at komersiyo ng naturang bansa, ang siyang nananaig na wika sa bansang iyon; at sapagkat sa panahon ng Kastila, ang siyang nananaig na wika sa bansang iyon; at sapagkat sa panahon ng Kastila, ang Maynila na bahagi ng Katagalugan ang siyang naging sentro ng lahat, natural na Tagalog ang maging batayan ng pambansang wikang Pilipino. Hanggang nasa wikang ingles ang sistema n gating edukasyon, mananatiling iilang Pilipino lamang ang makauunawa hindi lamang sa kasaysayan, kundi pati na sa lahat ng sangkap n gating pagkanasa. Mananatili tayong may kaisipang alipin at makadayuhan at bansang mala-kolonyal.
Ano ba ang dapat gawin ng sambayang Pilipino tungo sa ganap na paglaya at pagsasarili ng bansa?
“Ang tunggalian ay magsisimula sa larangan ng mga ideya upang pagkatapos ay dalhin sa arena na titigmakin ng dugo,” matatandaang sinabi ni Elias kay Ibarra sa Noli.
Sinimulan nga ni Rizal ang tunggalian para sa kalayaan sa larangan ng mga ideya “pero huminto na siya doon,” ayon sa makabayang si Claro M. Recto. At si Bonifacio nga ang nagtuloy ng naturang pakikibaka sa pamamagitan ng rebolusyon at ikatutubos at ikalalaya ng Pilipinas. Nakita ni Recto ang katotohanang ito kung kaya ipinapayo niya sa ating henerasyon:
“Mangarap tayong kagaya ni Bonifacio, at ipagpatuloy natin ang pakikibaka para sa ganap na katubusan ng ating lahi mula sa kamay ng bagong pang-aalipin, at huwag tayong padala sa takot at pag-aalinlangan, bagaman maaari tayong salubungin ng dambuhalang mga alon sa ating paglalakbay. Hindi lahat ng pangarap ay natutupad. Pero ang kahanga-hangang mga bagay sa mundo ay nalikha ng mga mapangaraping kagaya ng Dakilang Proletaryong si Andres Bonifacio.”
Back to top Go down
View user profile
Crown Clown

avatar

Posts : 40
Join date : 2009-09-18
Age : 26
Location : Quebec, Canada

PostSubject: Re: Filipino Assignment   Mon Sep 21, 2009 9:12 am

bkb-wekwek wrote:
sorry sa late post... grounded kac ako sa pc... kaya d ko mapost post ung copy. so retype nalang ginawa ko. done na ko yesterday pero d ako makapag-rent ng pc because daming ginawa sa church sorry talga. kung magagalit kayo, i understand, it's my fault. Sad sorry talga sobra



Apology accepted. Very Happy But you're a little late, though. You weren't informed that Maine has scanned the papers. Shocked And in behalf of our classmates, I (or we) appreciate the effort that you've done (even though I said that you were late).

---

@ Ammar

Late reply; no answers. Sorry!

Back to top Go down
View user profile http://www.facebook.com/d.arsonist
chibi-ren

avatar

Posts : 30
Join date : 2009-09-19
Age : 25
Location : Antipolo City, Philippines

PostSubject: Re: Filipino Assignment   Tue Sep 22, 2009 9:26 am

@bkb kwek-kwek

wow!

you're so great!!

akalain mo un na type mo?

idol! cheers
Back to top Go down
View user profile http://kur0ageha.wordpress.com/
$lowhand$

avatar

Posts : 20
Join date : 2009-09-17
Age : 23
Location : Pasig City

PostSubject: RE : Filipino Assignment   Tue Sep 22, 2009 9:33 am

ou nga eh ang sipag nia

Shocked

_________________
Back to top Go down
View user profile
oneweakness

avatar

Posts : 20
Join date : 2009-09-18
Age : 24
Location : Sa Brip mo.

PostSubject: Re: Filipino Assignment   Wed Sep 23, 2009 2:12 am

$lowhand$ wrote:
ou nga eh ang sipag nia

Shocked


tamad ka lng ungas.

Twisted Evil


@crown clown
is flaming allowed?
Twisted Evil
Back to top Go down
View user profile
$lowhand$

avatar

Posts : 20
Join date : 2009-09-17
Age : 23
Location : Pasig City

PostSubject: RE : Filipino Assignment   Wed Sep 23, 2009 2:18 am

ngsalita si masipag !

Evil or Very Mad

_________________
Back to top Go down
View user profile
oneweakness

avatar

Posts : 20
Join date : 2009-09-18
Age : 24
Location : Sa Brip mo.

PostSubject: Re: Filipino Assignment   Wed Sep 23, 2009 2:41 am

$lowhand$ wrote:
ngsalita si masipag !

Evil or Very Mad

kaya ko nmn itayp un
mga 15mins ..
ungas.
Twisted Evil
Back to top Go down
View user profile
Crown Clown

avatar

Posts : 40
Join date : 2009-09-18
Age : 26
Location : Quebec, Canada

PostSubject: Re: Filipino Assignment   Wed Sep 23, 2009 7:17 am

oneweakness wrote:

@crown clown
is flaming allowed?
Twisted Evil


Of course! Twisted Evil
Back to top Go down
View user profile http://www.facebook.com/d.arsonist
chibi-ren

avatar

Posts : 30
Join date : 2009-09-19
Age : 25
Location : Antipolo City, Philippines

PostSubject: Re: Filipino Assignment   Wed Sep 23, 2009 7:23 am

hahahah flaming is allowed???

but who's gonna call the fire station Twisted Evil Twisted Evil
Back to top Go down
View user profile http://kur0ageha.wordpress.com/
Crown Clown

avatar

Posts : 40
Join date : 2009-09-18
Age : 26
Location : Quebec, Canada

PostSubject: Re: Filipino Assignment   Wed Sep 23, 2009 7:31 am

chibi-ren wrote:
hahahah flaming is allowed???

but who's gonna call the fire station Twisted Evil Twisted Evil



Pilosopa. Laughing


Peace out. XD
Back to top Go down
View user profile http://www.facebook.com/d.arsonist
chibi-ren

avatar

Posts : 30
Join date : 2009-09-19
Age : 25
Location : Antipolo City, Philippines

PostSubject: Re: Filipino Assignment   Wed Sep 23, 2009 7:39 am

@crown

d ah.. slight lng XD
Back to top Go down
View user profile http://kur0ageha.wordpress.com/
Sponsored content




PostSubject: Re: Filipino Assignment   

Back to top Go down
 
Filipino Assignment
View previous topic View next topic Back to top 
Page 1 of 1
 Similar topics
-
» sphere homework assignment #5
» Assignment 5: Interview Questions Due Feb 13
» Assignment 24: two point perspective drawing
» Assignment 15: Research on Painting due April 19
» Assignment 12 - Surrealism and masking in photoshop Due April 30 late work accepted until May 6

Permissions in this forum:You cannot reply to topics in this forum
BSCS1-1 '09-'10 :: Forum Lounge :: General Discussion-
Jump to: